29

Dec 8, 2021 @ 22:02
By

Adebayo garahe ng 1 buwan

Inaasahang magagarahe ng apat-anim na linggo si Miami Heat center Bam Adebayo na inoperahan sa right thumb.

Inanunsiyo ng Heat nitong Miyerkoles, na sumailalim sa surgery Martes ang 24-year-old cager sa torn ulnar collateral ligament sa kanang hinlalaki sa Kerlan-Jobe Surgery Center sa Los Angeles.

Natamo ni Adebayo ang injury noong Nobyembre 30 sa laban ng Heat kontra Denver Nuggets. Lugmok ang Heat, 120-111.

Nag-a-average si Adebayo ng 18.7 points, 10.2 rebounds, 3.2 assists at 1.1 steals per game.

Ekis naman sa laban ng team kontra Milwaukee Bucks Huwebes sina stalwart Jimmy Butler (tailbone) at Markieff Morris (neck).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?