By

Addy Raj, nakiisa sa selebrasyon ng International Day Against Homophobia, Transphobia & Biphobia

Sharing is caring!

Nakiisa sa selebrasyon ng International Day Against Homophobia, Transphobia and Biphobia ang Kapuso singer/actor na si Addy Raj.

Kahapon, May 17 ay sinelebreyt ang International Day Against Homophobia, Transphobia and Biphobia at layon nitong itaas ang kamalayan sa karapatan at mga paglabag sa LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender) sa buong mundo.

Hindi man miyembro ng LGBT community ang Kapuso star, sumusuporta naman si Addy sa mga adhikain nito.

Sa kanyang Twitter page, winika ng former actor ng now defunct “Meant To Be” na “You don’t have to be LGBT to campaign for LGBT rights. Human rights are for everyone. No matter who you are or whom you love.”

Si Addy (real name: Adhiraj Gaur) ay mula sa bansang India. Isa siyang aktor, model, singer at dating exchange student sa Pilipinas. Nagsimula siyang makilala sa “I Love OPM” show sa ABS-CBN.

Naging matunog ang pangalan ni Addy when he decided to transfer to GMA Network, ipareha kay Barbie Forteza at gawin siyang isa sa leading men ng aktres sa “Meant To Be.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?