219

By

‘Address to the nation’ ni Duterte, kanselado: papalitan ng ‘têtê-a-têtê’ kay Panelo

Sharing is caring!

Hindi na matutuloy ang unang inanunsiyong ‘address to the nation’ ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes, Setyembre 11, bandang alas-3 ng hapon.

“I would like to relay that the President Duterte’s press conference today is no longer included in today’s activities,” saad ni Presidential Communications Operations Office Undersecretary Mia Reyes sa mga reporter.

Inaasahan sanang sasagot si Duterte mula sa mga kuwestiyon galing sa local at international media sa mga isyung kinakaharap ng bansa ngayon.

Sa halip, isang têtê-a-têtê o one-on-one meeting kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang inaasahang mangyari sa Malacañang, alas-3:15 ng hapon at hindi puwedeng dumalo ang pribadong media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?