155
abante-tnt-vismin-railway
By

‘Adan’ nabaril sa riles ng MRT

BINARIL na lang ng isang guwardiya ang hubot hubad na lalaki na ayaw umalis sa riles ng MRT kaninang umaga.

Sa ulat, gamit ang kanyang .9mm na baril pinaputukan ni Federico Bustamante ang lalaki sa talampakan.

Nabatid na alas 8:34 nang lapitan ng mga guwardiya at isang pulis ang lalaki na naglalakad sa riles sa pagitan ng Ayala at Magallanes Stations sa Makati City.

Nabatid na nahinto ng 10 minuto ang mga biyahe ng mga tren dahil sa naturang lalaki.

Pinagbabato din nito ang mga guwardiya at pulis kayat napilitan si Bustamante na paputukan na ito.

Dinala sa pagamutan ang lalaki samantalang inimbestigahan naman si Bustamante ng pulisya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?