126

Jul 28, 2018 @ 13:51
By

Adamson wagi kontra Beda sa PVL

Naiuwi ng Adamson University Falcons ang panalo laban sa San Beda University Red Lions, 25-23, 25-21, 29-27, sa 2018 PVL Collegiate Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan nitong Sabado.

Pagkatapos ng balikang laba0n, sa ika-tatlong set nakuha ng Adamson ang lamang, 28-27.

Tinangka ng San Beda na itabla ito ngunit hindi na sila hinayaan pa ng Falcons, 29-27.

“Sa third set, nandoon ‘yung maling attitude. Kung lamang ka ng dalawang sets, dapat killer instinct pa rin eh,” ani Adamson assistant coach Daniel Miranda.

“Mas maganda ‘yung performance nila ngayon kesa sa previous games namin. At least ngayon, nakikita na namin kung sino ‘yung puwedeng ipasok,” dagdag pa ni Miranda.

Mayroong 14 na puntos si Geoffrey Alicando habang nagdagdag si Paolo Pablico ng 12 puntos para sa Falcons.

Pinangunahan naman ni Patric Palattao ang Red Lions, na umiskor ng 17 puntos.

Sunod na makakalaban ng San Beda ang Fighting Maroons sa Sabado habang haharapin ng Adamson ang Perpetual sa Linggo, Agosto 5. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?