124

Sep 28, 2018 @ 20:48

Adamson, tatablahin ang NU; UST haharapin ang Ateneo

Mga laro bukas/Setyembre 29

1:00pm – Adamson vs NU

4:00pm – UST vs Ateneo

Matapos ang kanilang panalo laban sa University of the Philippines, tatangkain ng Adamson University na ipagpatuloy ang kanilang panalo laban sa National University Bulldogs bukas, Setyembre 29, sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Hindi napigilan ng Fighting Maroons si Sean Manganti nang maipasok nito ang game-winning shot, 69-68 noong Setyembre 26.

Nagtala siya ng 18 puntos samantalang dinagdagan naman ito ng 15 puntos si Jerrick Ahanmisi.

Kasalukuyang 4-0 ang Soaring Falcons samantalang 1-3 naman ang Fighting Maroons.

Sunod naman ang banggaan ni Aldin Ayo at ang kanyang tropa na University of Santo Tomas laban sa Ateneo Blue Eagles alas-kuwatro nang hapon.

Huling nakaharap ni Ayo si Tab Baldwin at ang Blue Eagles noong UAAP Season 80 Finals noong nasa La Salle pa siya.

Mayroong three-game win streak ang Blue Eagles muna noong matalo sa Adamson. Ang pinakahuling biktima ng Ateneo ay ang University of the East, 89-62, noong Setyembre 26.

Nanguna rito si Raffy Verano na umiskor ng 12 puntos. Nagkaroon ng sprain ang kanyang right ankle kaya hindi pa sigurado kung siya’y makapaglalaro.

Isang panalo pa lamang ang Growling Tigers sa apat na laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?