90

Adamson Pep Squad, UAAP 80 Cheerdance Champions!

Sharing is caring!

Tinanghal na kampeon ang Adamson Pep Squad sa UAAP 80 Cheerdance Competition na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Napatalsik nito ang National University (NU) kung saan nasa third place lamang nito ang Adamson noong nakaraang cheerdance competition.

Pumangalawa naman sa ginanap na kompetisyon ang UST Salinggawi Dance Troupe habang 2nd runner-up ang UE Pep Squad.

Tumalon, sumirko at nagsayaw ang Adamson Pep Squad sa saliw ng musikang Pinoy noong 70s na nag-standout sa mga hurado.

Samantala, champions naman ang FEU Cheering Squad sa Group Stunts competition kasunod ang Adamson at ang UP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?