40
Hindi pa uuwi ang Go for Gold-CSB.
May 28, 2019 @ 17:32
By ,

Adams, Go for Gold humirit

Hindi pa uuwi ang Go for Gold-CSB.

Buhay pa ang semifinals bid ng Scratchers matapos burahin ang twice-to-beat advantage ng CEU-Scorpions 84-81 sa 2019 PBA D-League Martes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Ganado ang Scratchers, nagposte ng 15 puntos na bentahe 50-35 sa pagtatapos ng first half.

Tuloy-tuloy ang pag-alagwa ng tropa patungong third frame hanggang sa nirehistro nito ang 20-point cushion sa 5:13 pero hindi rin nagtagal ang dominasyon nito lalo na sa final period kung saan muling nagparamdam si Judel Fuentes at Malick Diouf at naitabla ito sa 81-all sa huling 2:09.

Nanakaw na ng Scorpions ang momentum sa last two minutes pero bigo ito na i-convert sa points hanggang sa selyuhan na Go for Gold ang laro sa tres ni Gab Banal sa huling 20 seconds.

Bagaman nanalo at nakapwersa pa ng isa laro, hindi na naitago at naitanggi ni coach Charles Tiu ang kanyang pagkadismaya sa pinakitang laro ng kanyang mga bata.

“I’m happy that we were still alive but I am not happy with the way we play,” litanya ni Tiu. “We probably deserve to lose that game. Exactly what I told them in the half not to get careless. Seems like we never learn, we get careless akala natin kung sino tayo.”

Nanguna para sa Scratchers si Roosevelt Adams na may 26 points at 13 rebounds sa kanyang pangalan habang umayuda naman sina Santi Santillan at Gab Banal ng 15 at 13 markers.

Bumandera naman para sa Scorpions si Fuentes na may 22 points at dalawang rebounds at may 14 points naman si Diouf.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?