13

Aug 5, 2020 @ 15:08
By

Adamat tinalaga uli bilang CHED commissioner

Ni-reappoint ni Presidente Rodrigo Duterte si Ronald Adamat bilang commissioner ng Commission on Higher Education (CHED).

Ang panibago nitong termino ay mapapaso sa Hulyo 21, 2024.

Si Adamat ang pangalawang appointee ni Duterte bilang CHED commissioner. Una itong tinalaga noong Disyembre 9, 2016.

Bago ito, nanilbihan ang opisyal bilang Representative ng Indigenous Peoples sector sa ika-10 Congress at isa sa mga principal author ng “Indigenous Peoples Rights Act of 1997” o IPRA Law.

Sabi ni CHED Chairman J. Prospero de Vera III, sa isang news release ngayong araw, inaasahan si Adamat na ipagpapatuloy ang mga adbokasiya nito gaya ng federalism, Indigenous Peoples Studies, Peace and Development, agriculture, maritime education, at good governance.

Makakatulong aniya ang mga sinusulong ng naturang CHED Commissioner sa hangarin ng CHED na makapaghatid ng de-kalidad at inklusibong higher education sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?