123

By

ACTO maglulunsad ng tigil-pasada sa July 15

Magkakasa ng transport holiday sa Lunes ang Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) kaugnay ng polisiya sa jeepney modernization at iba pang pampublikong sasakyan.

Ayon sa presidente nitong si Efren De Luna, magtitipon sila sa harapan ng Quezon City Memorial Circle ng alas-otso ng umaga bago magtungo sa harapan naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board kung saan magkakaroon ng programa.

Paglilinaw ni De Luna, pabor sila sa modernization ng public utility vehicles (PUVs) pero tutol sila sa specific standards na itinakda ng LTFRB partikular na ang fleet management program kung saan ire-require ang mga operator na pag-isahin ang kanilang mga unit bilang “legal entity” batay sa Memorandum Circular No. 2018-008.

Kabilang umano sa maaapektuhan ng transport holiday ang ilang lugar sa Pasig, Quiapo, Montalban, Parañaque at Caloocan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?