40

Jun 4, 2020 @ 9:07

ACTO: Gobyerno palpak sa kalakaran ng transportasyon

Naglabas ng hinaing ang presidente ng Alliance of Concerned Transport Organization (Acto) na si Efren de Luna kaugnay ng usaping gagawing contact tracer ang mga driver.

Aniya, “Magiging napakahirap sa mga drivers ‘yan plano na gawin silang contact tracer.”

Ang plano na ito ay patunay lang umano na palpak ang gobyerno sa kalakaran ng transportasyon.

“Iyan ay pagpapakita lamang ng kanilang kapalpakan sa kalakaran ng transportasyon,” ani De Luna.

Dagdag pa niya, “Papaano magkakasya ang kita na P350 a day sa mga driver?”

Pagrarason pa ni De Luna, maaaring hindi rin gugustuhin ng mga driver ang trabahong contact tracer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?