23

Nov 20, 2021 @ 19:55
By

Active COVID cases pwede bumaba ng 7K – DOH

Nakikita ng Department of Health (DOH) na posibleng bumaba sa 7,000 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa kung magpapatuloy ang pagsunod ng publiko sa mga health protocol.

“If the current measures are maintained, the mobility is the same as of last week, the compliance to minimum health standards is the same, as well as the detection to isolation is still at 5.5 days, we will have about 7,000 active cases by December 15 in our country,” wika ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong Sabado.

Gayunman, maaari pa rin umanong lumobo ang mga kaso kung magpapabaya ang publiko.

“But in case the mobility rises to about 98% and compliance to health standards will go down to as much as 24%, the country will record about 20,000 active cases by December 15,” ani Vergeire.

Tiwala rin ang health official na kumpara sa 2020 ay mas masaya ang pasko ngayong taon, bagamat dapat pa rin umanong siguruhin ang pag-iingat sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?