11

Jul 9, 2021 @ 16:28
By

Active COVID case tumalon uli sa 51K

Umakyat uli sa 51,000 mark ang kasalukuyang ginagamot kontra coronavirus sa Pilipinas matapos 5,881 katao ang bagong magpositibo nitong Biyernes.

Ayon sa Department of Health, naitala sa 51,902 ang active COVID-19 case.

Samantala, 3,003 pasyente ang bagong nakarekober habang 70 pang pasyente ang nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?