10

Apr 22, 2021 @ 18:27
By

Active COVID case natapyas sa 107,988

Bumaba sa 107,988 pasyente ang ginagamot ngayon sa coronavirus sa Pilipinas matapos 17,138 ang makarekober.

Dahil dito, umakyat sa 846,691 ang kabuuang bilang ng mga nagwagi laban sa coronavirus sa bansa.

Ito na ang ikalimang sunod na araw na nakapagtala ang bansa ng mahigit 9,000 recoveries sa loob ng isang araw.

Samantala, 8,767 ang bagong nagpositibo habang 105 ang bagong pumanaw sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?