8

Jun 10, 2021 @ 17:41
By

Active COVID case lumobo uli sa 56K

Namaga uli sa 56,921 ang aktibong kaso ng coronavirus sa bansa o kasalukuyang ginagamot sa COVID-19 matapos 7,485 katao ang bagong magpositibo ngayong Huwebes, June 10.

Kahapon, June 9 ay 54,000 ang active case.

Mas mababa ang naitalang nakarekober sa sakit na 4,504 habang 122 pasyente naman ang nadagdag sa mga pumanaw sa COVID.

Sa ngayon ay pumalo na sa 1,293,687 ang COVID-19 tally nationwide, kabilang ang 22,312 death toll at 1,214,454 recoveries.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?