84

May 19, 2021 @ 18:16
By

Active case sa San Juan bagsak sa 165

Inanunsyo ni San Juan City Mayor Francis Zamora na mayroon na lamang 165 active COVID-19 case ang siyudad mula sa 1,296 noong Abril 12.

Ani Zamora, dahil ito sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine, Modified Enhanced Community Quarantine at General Community Quarantine pati na pagsisikap nila sa contact tracing, swab testing, isolation at treatment.

Sa ngayon din aniya ay 19,004 residente na nila ang nabakunahan laban sa COVID-19.

“Our ongoing vaccination drive is a prime mover in our fight against COVID-19 and in protecting our people,” lahad ni Zamora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?