130

Mar 30, 2020 @ 10:56
By

Action Center binuksan ng DILG para tumanggap ng reklamo laban sa nga barangay .

Binuksan ng Department of Interior and Local Government ang action center upang tumanggap ng reklamo laban sa mga Barangay Chairman na hindi na nagdi-distribute ng relief foods sa kanilang nasasakupan.

Sa panayam ng GMA 7 Channel 68 kay DILG Secretary Eduardo Ano, bukas ang nasabing center para isumbong ang Kapitan na hindi tumatalima sa utos ng Pangulong Duterte na sila ang mangangalaga sa kanilang barangay sa pamamahagi ng relief foods.

May nakarating na report sa DILG na magpahangang sa ngayon ay may mga Punong Barangay ang tutulog-tulog sa kanilang bahay at hindi kumikilos.

Pagkakasibak sa puwesto, ayon pa kay Sec. Ano ang sinumang barangay officials ang mapapatunayang nagkasala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?