244
ACT-CIS nag-No. 1 dahil sa Tulfo magic – Taduran
May 23, 2019 @ 21:20
By

ACT-CIS nag-No. 1 dahil sa Tulfo magic – Taduran

Inamin ni ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran na hindi nila inaasahan ang overwhelming support ng publiko sa kanilang grupo at nakakataba umano ito ng puso.

Aniya, noon kasing unang tumakbo ang ACT-CIS ng 2013 nanalo ito pero nang tumakbong muli ng 2016 ay hindi nanalo.

Malaking inspirasyon umano ng ACT-CIS party-list ay sina Raffy Tulfo at Erwin Tulfo kaya naniniwala siyang malaki ang naitulong ng Raffy Tulfo magic pati na ang “Wanted sa Radyo” show nila para manguna sa party-list race.

“I think so! Because of the Raffy Tulfo magic plus our Wanted sa Radyo show na talagang 20 years na iyun and of course siguro ‘yung hard work kasi kami lang ang nominee na nag-iikot,” ani Taduran sa isang panayam sa CNN Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?