36

By

Acquittal kay Revilla, walang epekto sa ibang ‘pork’ cases – solon

Sharing is caring!

Hindi umano magpapahina sa ibang kaso na may kaugnayan sa pork barrel scam ang naging hatol ng Sandiganbayan First Division sa kasong plunder ni dating senador Bong Revilla.

Paliwanag ni House Justice Committee chairman Doy Leachon, ang reklamo sa bawat akusado ay magkakaiba ang sirkumstansya.

Maaari aniyang ang mga ebidensya na wala sa kaso ni Revilla ay meron sa iba na sapat para ma-convict ang mga ito.

Ginawa ni Leachon ang pahayag sa harap ng mga agam-agam na mauwi rin sa acquittal ang kaso ng iba pang sangkot sa pork barrel scam.

Bukod kay Revilla, nahaharap din sa kasong plunder sina dating senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada.

Sa hatol ng korte kay Revilla, sinabing hindi ito maaaring panagutin sa kasong plunder dahil nabigo ang prosekusyon na patunayan na tumanggap ng kickback ang dating senador mula sa kanyang pork barrel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?