41

By

CGI ng ‘Victor Magtanggol’ ni Alden Richards, hinahangaan ng netizens!

Sharing is caring!

Pinag-uusapan at hinahangaan ng netizens ang special effects (SFX) ng primetime series na “Victor Magtanggol” ni Alden Richards. Lalo na ‘yung pagpapalit-anyo ni Victor (Magtanggol), sabi nila, nakabibilib daw ang effects.

Kung pagiging pulido rin lang naman ng effects ang pag-uusapan, hindi na puwedeng itangging nakaka-angat itong “Victor Magtanggol” sa iba.

Bukod kasi sa mabusising anggulo ng mga eksena, talagang nakabibilib ang CGI (computer-generated imagery) ng serye ng Kapuso Network.

Maipagmamalaki ring gawa ito ng Pinoy at hindi naamn binigo ni direk Dominic Zapata ang mga manonood dahil tinupad niya ang pangakong papantay ito sa standards ng mga viewer ngayon.

Hindi basta-basta lang ang naging pagpapalit ng costume ni Alden mula pagiging Victor Magtanggol sa pagiging Hammerman. Naka-focus ang camera sa paglabas ng armor ni Hammerman, pati mga hibla ng tela na kumakapit sa katawan ni Victor, pinakita rin ng serye.

Sa pagpapalit anyo ng bida ng “Victor Magtanggol,” siguradong iba’t- ibang effects pa ang ipamamalas ng programa. Dapat ding abangan kung anong mga susunod na mangyayari kay Victor, at kung ano ang naghihintay sa kanya sa pagiging si Hammerman!

Ang “Victor Magtanggol” ay napapanood weeknights pagkatapos ng “24 Oras” nina Mel Tiangco, Mike Enriquez at Vicky Morales.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?