11
ed-angara
By

Accomplishments ni ex-Sen. Angara, ginunita ng mga kaibigan

Sharing is caring!

Ginunita ng mga dati at kasalukuyang senador ang kanilang mga karanasan bilang naging katrabaho, kapartido, naging mistulang estudyante at kaibigan ni dating Senate President Edgardo J. Angara sa gitna ng necrological service para rito ng Senado.

Kanila ring kinilala ang mahabang listahan ng accomplishments ng yumaong dating senador na naging public servant sa loob ng halos limang dekada.

Sa kaniyang eulogy, sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada, na nakasabay ni Angara sa Senado, na naging mabuting kaibigan si Angara na pinili niyang maging running mate niya noong 1998 presidential elections dahil alam niya ang katapatan, talino, galing at hangad na mabuti para maiangat ang mga tao sa kahirapan.

Ayon naman kay Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo, na nakasabay din ni Angara bilang senador, maituturing ito na “giant among legal luminaries, mahusay na educator at may prinsipyng public servant at katunayan ang magagandang batas na lumikha sa Commission on Higher Education (CHED), TESDA at mga batas para matulungan ang mga guro at estudyante.

Inilarawan naman ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr. si Angara na haligi ng edukasyon at kampeon ng demokrasya.

Hinangad aniya ni Angara na maiangat ang kabuhayan ng mga mahihirap at mapag aral ang mga kabataan at mapahalagahan ang mga Muslim at Lumad.

Naging emosyonal naman sa kani kanilang eulogy sina Senadora Loren Legarda, Senador Franklin Drilon, Senador Tito Sotto, Senador Richard Gordon at Taguig Congresswoman Pia Cayetano.

Naiiyak na sinabi ni Legarda na nawala man si Angara, maiiwan ang legacy nito at pangunahin dito ang libreng edukasyon. Nawalan aniya ang bansa ng great man, visionary, deep thinker at ng isa sa brilliant minds sa bansa at kaibigan para sa kaniya.

Ginunita naman ni Drilon na masaya pa silang pinameryenda ni Angara sa rest house nito sa Batangas noong Sabado, bisperas ng pagpanaw ng dating senador.

Matapos ang mga euology, inabot ni Senate President Koko Pimentel sa pamilya ni Angara ang Senate Resolution No. 105 kung saan ipinapahayag ang pagluluksa ng Senado at ang pagkilala sa mga naging kontribusyon nito sa bansa at sambahayanan bilang public servant.

Abot-abot naman ang pasasalamat ni Senador Sonny Angara sa pagkilala sa kaniyang ama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?