1,480
lagman-andanar
Jan 8, 2018 @ 14:20
By

Accomplishment ni Duterte, imahinasyon lang ni Andanar – Lagman

Nananaginip umano ng gising si Presidential Communications Secretary Martin Andanar nang ipagmalaking natupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ipinangako nito noong kampanya maliban sa nakabinbing federalism.
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, imahinasyon lang ni Andanar na naresolba na ang mga problema sa kahirapan, iligal na droga, corruption at peace and order.
Wala aniyang maipakitang anumang data ang kalihim na magpapatunay na ang annual nationwide incidence of poverty na 21.6 percent noong 2015 ay nabawasan sa unang taon at kalahati ng administrasyong Duterte.
Sabi ni Lagman, ang malinaw ay ang Social Weather Station (SWS) survey on self-rated poverty na nagpapakitang tumaas pa ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nagsabing mahirap sila noong 3rd quarter ng 2017 gayundin ang pagtaas ng insidente ng kahirapan sa Metro Manila at ilan pang lugar sa Luzon.
Ipinaalala rin ng kongresista na mismong si Duterte ang ilang beses na humirit na bigyan pa siya ng panahon para malutas ang problema sa iligal na droga.
“No less than President Duterte has requested several times that he should be given more time to address the drug menace, the last of which was on December 5, 2017 when he asked for about one more year. This indicates that the problem persists even as extrajudicial killings related to the deadly drug campaign continue unabated,”ani Lagman.
Binanggit rin ng mambabatas na patuloy ang problema sa peace and order kaya humingi ang presidente ng martial law extension sa Mindanao dahil sa banta ng terorismo.
Dagdag pa nito, nariyan pa rin ang katiwalian at patunay ang nangyayaring sibakan ng mga opisyal sa gobyerno.
“Serious corruption has not been eliminated with only executives with “excessive foreign travels” being axed, but high profile graft cases, except vendetta prosecution, remain in perpetual investigations,” ayon kay Lagman.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?