43

Mar 3, 2020 @ 19:07
By

Acceptance speech, nilagdaan ng dugo ng bagong ICAD co-chair

Bilang tanda na seryoso siya sa pagsuporta sa giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte, minarkahan ng sariling dugo ni bagong talagang Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) co-chair Dante Jimenez ang kanyang acceptance letter.

“I sign this acceptance with my own blood, to represent the thousands of victims of illegal drugs, and as a manifestation of my commitment to the unrelenting war against this social menace that must be destroyed by all means,” pahayag ni Jimenez.

Sinugatan ni Jimenez ang kanyang hinlalaki para sa “blood signature”.

Si Jimenez, na founder ng Volunteers Against Crime and Corruption, ang pumalit kay Vice President Leni Robredo sa ICAD post, na 18 araw lang hinawakan ng huli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?