61

Dec 20, 2019 @ 16:41
By

Aby, Mika, Jovelyn pasiklab uli sa PSL

Matapos ang 30th Southeast Asian Games nitong nakaraan, balik na ang national team member sa kanilang respective mother team para sa paghahanda sa kaabang-abang na Philippine Superliga (PSL) sa susunod na taon.

Balik na sina Aby Maraño, Majoy Baron, at Dawn Macandili para sa koponan ng F2 Logistics Cargo Movers; Mika Reyes, Rhea Dimaculangan, Aiza Maizo-Pontillas at Frances Molina para sa Petron Blaze Spikers; Mylene Paat at Jovelyn Gonzaga SA Cignal HD Spikers; Kath Arado sa Generika-Ayala Lifesavers at Eya Laure sa Foton Tornadoes.

Bagamat hindi nakasungkit ng kahit isang panalo sa SEA Games, nagagalak pa rin si PSL Chairman Philip Ella Juico sa naging performance ng mga manlalaro nila sa national squad.

“The PSL players represented the country well,” wika ni Juico, na namumuno rin sa Philippine Amateur Track and Field Association na dumiliber ng 11 gold medals.

“We’re so proud of how they performed and how they represented the country in a major international competition such as the Southeast Asian Games. Rest assured that the league would continue supporting the national team program to help the growth of volleyball in the country.”

Sa ikatlong linggo ng Pebrero 2020, magsisimula ang PSL Grand Prix na susundan ng PSL Beach Volleyball Challenge Cup at All-Star Game sa Hunyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?