50

Jan 12, 2022 @ 23:21

Aby Maraño: Pakasalan ko na lang kaya volleyball?

Nag-host si Aby Maraño sa kasal ng kanyang high school teammate.

Sa Instagram post ni Aby, sinabi nito na iba ang naging dating sa kanya ng kasalan dahil sa happiness ng bride.

“Marami na akong napuntahang kasal pero by far siya pa lang ang nakita kong kinasal na may napakagandang ngiti. Iba yung dating sa akin. Nakuryente ako sa puwersa ng genuine smile at happiness niya,” sey ng volleybelle.

Ngunit may hugot sa dulo si Aby kung saan sinabi nito na madalas na daw siyang naiimbitahan sa mga kasalan at binyag.

“Kamakailan eh taga attend lang ng mga binyag, ngayon taga attend na lang din talaga ng weddings,” lahad ni Aby.

“Baka ito ang fate ko or pakasalan ko na lang kaya yung volleyball. Pwede ba yorn?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?