By

Abusado ang mga komunista – Duterte

Sharing is caring!

Sukdulan na umano ang pag-abuso ng kilusang komunista kaya pinutol na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang ugnayan ng gobyerno sa mga ito.

Ayon kay Duterte, walang nang katapusan ang hinihingi ng grupo sa sa gobyerno ng grupo habang panay naman ang paninira ng mga ito sa kanya subalit hinayaan lamang aniya ang mga ito.

Mabuti na lamang aniya at natunugan nito na ang talagang tutumbukin ng mga kausap ng government negotiators ay magkaroon ng coalition government na hindi niya maaaring ibigay sa mga komunista.

“Itong komunista sumobra. Yung mga leftist na mga ano, kung ano-ano na ang pinagsasabi, hinayaan ko lang. Sabi ko,”sige lang”. Its a insatiable. Walang katapusan,” ang pahayag ng Pangulo.

Akala aniya ng mga komunista ay mauutakan siya pero pinag-aralan nito ang working papers na dala-dala nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Presidential Peace Adviser Jesus Dureza kaya natuklasan nito ang talagang pakay ng mga komunista.

“Nag-cabinet meeting kami noong Martes, eh yung mga dala-dala nilang papel, mga proposal,and the working papers nila doon binasa ko, akala nila wala akong kopya eh. Intelligence man ang nagbigay. They tried to figure out what’s really the end-game nito. It’s a coalition government,”ang dagdag na pahayag ng Presidente.

Bago nagsimula ang peace talks sa The Netherlands ay maraming hiniling ang grupo ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na pinagbigyan ng gobyerno pero ang planong coalition government ayon kay Pangulong Duterte ay hinding-hindi niya maibibigay sa mga komunista. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?