8

By ,

Abugan, Banzali binuhat ang Furies

Sharing is caring!

Mga Laro sa Linggo

(Pasig City Sports Center)

2 p.m. – AFP vs DOJ

3:30 p.m. – Malacanang vs Ombudsman

5 p.m. – Judiciary vs NHA

Hindi natinag ang GSIS Furies at pinataob ang Philippine National Police Responders, 87-83, sa 7th UNTV Cup na ginanap sa Pasig City Sports Center sa Pasig.

Naging alas ng Furies ang kanilang mighty-duo na sina James Abugan na may 31 puntos at 10 rebounds habang 27 puntos naman ang inambag ni Rene Boy Banzali.

Sa tulong ng dalawa, nabura ng Furies ang 65-60 deficit sa unang minuto ng huling canto para makatabla sa Senate Defenders sa Group A ng liga.

Isang nakakapanghinayang na talo ang nalasap ng Responders dahil sila ang may kontrol ng laro pero nagawa parin ng Furies na makawala at maselyuhan ang panalo sa kanila.

Nanguna para sa Responders si dating University of the East player na si Ollan Omiping na may 21 puntos.

Sa Group B naman, pinataob ng Agriculture Foods Masters ang PhilHealth Plus, 105-95.

Naging maganda ang larong pinakita ng Food Masters sa tulong ng dating UST player na si Emersob Oreta na may 23 puntos, na pumutok sa fourth canto ng laro na nagpabago ng momentum ng laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?