34

Oct 28, 2021 @ 22:01
By

Abueva paborito ni Manuel

Bago mapunta sa Phoenix Super LPG, matagal ding naglaro si Philippine Basketball Association veteran Victorino ‘Vic’ Manuel sa Alaska.

Parte si ‘Muscle Man’ ng Aces noong 2014-20 at kakampi pa noon ang bagong tanghal na 46th PBA 2021 Philippine Cup semi-bubble Best Player of the Conference Calvin Abueva ng Magnolia.

Sa isang instagram story, natanong Huwebes si Manuel sa paborito niyang teammate sa Alaska at Phoenix.

Mabilis na sumagot ang 34-year-olf, 6-foot-4 forward at sinabing si ‘The Beast’ at lahat ng bagong kasama niya sa Fuel Masters.

“@alaskaaces & @calvin8888abueva, @fuelmasters everybody! gusto ko sila lahat,” ani Manuel.

Ngayong taon lang lang naglaro si Muscle Man para sa Phoenix, pero hindi pinalad makaabante sa last Four.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?