10

Jan 9, 2021 @ 18:59
By

Abueva nakiisa sa Pista ng Nazareno

Tuloy ang debosyon ni Phoenix superstar Calvin Abueva sa Poong Itim na Nazareno.

Makikita sa Instagram story ni ‘The Beast’ na nakasuot siya ng shirt ng Nazareno, kung saan may nagpa-selfie pa siya sa mga kapwa deboto.

May mga pulis ding katabi si Calvin, na nakasuot naman ng face mask.

Sa kanya ring post sa social media, nagbigay ito ng mensahe para sa mga nananampalataya din sa Nazareno.

“Magdasal ka tong ng taimtim kay amang Nazareno na ‘wag ka niyang pababayaan,” ayon kay Abueva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?