8,835

Abueva nagsalita sa tunay na relasyon kay Vice Ganda

Sharing is caring!

Nagpaliwanag na si Calvin Abueva ukol sa pagsipot ni Vice Ganda sa kanilang laro laban sa Magnolia Hotshots nitong Linggo, Setyembre 23.

Inimbitahan pala ng Phoenix forward mismo ang sikat na komedyante kamakailan lang, at hindi naman siya binigo nito.

“Nagkita kasi kami minsan, tapos sabi ko sa kanya, manood naman siya ng game namin,” paliwanag ni Abueva.

Sinabi rin ni ‘The Beast’ na bukod sa matagal na silang magkaibigan, si Vice rin ang tumayong ninong sa kanyang anak.

“Kaibigan ko yun, nasa Alaska pa ako magkaibigan na kami tsaka ninong siya nung isang anak ko (Deandre Calvin).” pakli ni Calvin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?