26

Nov 15, 2020 @ 16:42
By

Abueva inasar kay Parks, ‘The Beast’ dedma na!

Good boy at hindi na pumapatol si Calvin Abueva sa kanyang mga nakakabangga sa PBA.

Sa video ni Vic Manuel, pinitik niya ang kanyang dating Alaska teammate na miss na daw siya ng kanyang bestfriend na si Bobby Ray Parks.

Matatandaan na muling nabuhay ang iringan ng dalawa matapos na ideny ni Parks na sinabi niya ang mga lumabas na write-up tungkol kay Abueva.

Ito’y kasunod ng pagpapa-interview ni ‘The Beast’ kung saan hiniling umano ni Parks na makabalik na siya sa paglalaro noong suspendido pa siya.

Dinedma naman ito ni Calvin at mas piniling huwag nang palakihin ang isyu.

Nagkaroon ng girian ang dalawa noong nakaraang taon matapos makasagutan ni Abueva ang dyowa ni Parks na si Maika Rivera.

Samantala, magkukrus ang landas ng dalawa sa semifinals kung saan haharapin ng Phoenix Super LPG ang TNT Tropang Giga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?