42

Jul 17, 2021 @ 20:16
By

Abueva halimaw! Magnolia pinulbos Phoenix

Nagpasiklab agad sa una niyang laro si Magnolia Hotshots si Calvin Abueva matapos pumukol ng 26 points kasama ang 10 rebounds nang kanilang gibain ang Phoenix Super LPG, 80-73 sa PBA Philippine Cup nitong Sabado.

Matatandaang noong offseason ay ipinalit si Abueva para kay Chris Banchero sa isang one-on-one trade. Hindi naman pinahiya ni The Beast ang kanyang bagong koponan lalo na ng ibaon nito ang anim na sunod na puntos sa krusyal na bahagi ng laro upang maitakas ang panalo.

Inalalayan ni Paul Lee ang matikas na laro ni Abueva sa kanyang 20 points.

Nanguna naman para sa Phoenix ang tirador na si Matthew Wright na kumamada ng 20 points at namahagi ng walong assists.

Maganda rin ang unang laro ni Vic Manuel para sa Phoenix sa kanyang 18 points at 10 rebounds.

Si Manuel ay galing naman sa Alaska at pinalit para kay Brian Heruela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?