477
Abueva gumanti lang kay Rivera
May 31, 2019 @ 22:23

Abueva gumanti lang kay Rivera

Dinepensa ni Calvin Abueva ang sarili sa reklamo ni Bobby Ray Parks, Jr. sa pambabastos niya sa dyowa ng huli Biyernes tapos ng PBA Commissioner’s Cup elims game ng Blackwater at Phoenix Pulse sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Inamin ng Fuel Master forward na binastos niya si Maika Rivera sa pagsabi ng ‘b*tch at pag-pose na nagma-mariang-palad.

Pero giniit niyang binalik lang niya sa GF ni Parks ang naunang masamang ginawa sa kanya na minura, pinagsabihan siya ng ng unggoy at pinaalis sa laro.

Tiwala rin siyang di siya pagmumultahin ng Commissioner’s Office at ‘di siya magso-sorry gaya ng gusto ni Parks.

“Bakit ko gagawin ‘yun? Sino ba may mali doon? Ako ba nauna?” giit ng basketbolista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?