100
abueva
By

Abueva, ‘di siguradong mabibigyan ng Gilas spot sa FIBA

Sharing is caring!

Kasabay ng suspensiyon sa Alaska Aces, hindi rin binigyan ng puwesto sa Gilas Pilipinas si Calvin Abueva sa 12-man roster na lalahok sa third window ng FIBA World Cup qualifiers.

Ayon kay national coach Chot Reyes, hindi pa niya napagdedesisyunan kung may posisyon pa rin si Abueva sa training pool dahil kailangan pa rin niyang sumipot sa Monday practices para sa June 29 at July 2 showdowns sa Chinese-Taipei at Australia.

“He is part of the pool, but not necessarily the final 12,” sabi ni Reyes.

Sa kabila ng suspensiyon ni Abueva, pinapayagan pa rin siyang makapaglaro ng pamunuan ng Alaska sa national team kung mabibigyan ito ng pagkakataon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?