87

Feb 17, 2021 @ 12:52

Abueva bagong armas vs Ginebra: Manila Clasico balik angas!

Manunumbalik ang sigla ng classic rivalry ng Barangay Ginebra at Magnolia Pambansang Manok sa pagpasok sa eksena ni Calvin Abueva.

Sa Twitter, pinag-usapan ang pagsanib ni Abueva sa Magnolia, matapos i-trade si ‘The Beast’ ng Phoenix Super LPG para kay Chris Banchero at dalawang draft pick.

Dahil sa nasabing trade, marami na ang nag-aabang sa muling pagtatapat ng Ginebra at Magnolia, na kilala bilang ‘Manila Clasico’.

Isa si Abueva sa mga kilalang malakas mang-alaska lalo na kapag kalaban ang Ginebra at kanilang mga fan.

Ngayon ay lipat na siya sa isa pang crowd favorite ng liga, ang Magnolia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?