134

Dec 5, 2017 @ 17:25
By

Abu Sayyaf sa Sulu, desperado na – AFP

Hindi na nakabalik pa nang buhay sa lalawigan ng Sulu ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na tumulong sa nasawing si ASG leader Isnilon Hapilon sa limang buwang pakikipaggiyera sa tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni AFP Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana.

Dahil sa pagkakapatay ng ilang miyembro ng ASG sa Marawi City, nabawasan na ang ASG na nagkukuta sa lalawigan ng Sulu.

Ayon sa opisyal, mula sa dating 500 miyembro ng ASG na kanilang namomonitor sa Sulu, 400 na lang ang natitirang bandido sa lalawigan.

Dahil naman sa pagbaba ng bilang ng mga bandido sa Sulu ay mas nagiging desperado na ang mga ito.

Ito ay dahil maging ang mga maliliit na negosyante ay kanila na ring dinudukot at hinihingian ng ransom para kumita.

“Ang Abu Sayyaf ngayon sa Sulu, they are medyo desperado na sila even the poorest of the poor are victims of their kidnapping,” sinabi ni Sobejana. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?