Abu Sayyaf patay, 2 pa tiklo sa Sulu

Sharing is caring!

Napatay ng militar ang isang miyembro ng Abu Sayyaf habang dalawa naman ang nadakip matapos ang bakbakan sa Parang, Sulu noong Biyernes.

Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana, commander of Joint Task Force Sulu, ang operasyon ay isinagawa sa Sitio Tubig Gantang, Barangay Lagasan-Higad bandang 1:30 ng umaga.

Hindi pa nakikilala ng mga awtoridad ang napaslang na bandido. Ang mga naaresto naman ay sina Delson Kansiong, 27, at Nadzfar Abdulla, 19.

Ang tatlong bandido ay kasapi ng Abu Sayyaf group sa ilalim ng pamumuno ni sub-leader Idang Susukan.

Dalawang high-powered firearms na may kasamang mga bala ang narekober sa operasyon.

Ikinulong ang dalawa sa Sulu Provincial Police Office for detention.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?