39

Dec 26, 2017 @ 14:37
By

Abu Sayyaf member arestado sa Zamboanga City

Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Talungon Drive, Brgy. San Roque, Zamboanga City kamakalawa.

Kinilala ang naarestong terorista na si Bensar alyas Pandak Duma.

Si Bensar ay inaresto sa pamamagitan ng warrant of arrest dahil sa mga kasong kidnapping and serious illegal detention.

Ayon kay Naval Forces Western Mindanao Spokesperson Ensign Jesca May Viduya, ang pagkakaaresto sa bandido ay dahil sa walang tigil na operasyon laban sa mga terorista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?