By

Abu Sayyaf bomber na may P1.3M patong sa ulo, timbog sa Basilan

Sharing is caring!

Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Basilan.

Kinilala itong si Rahim Abdul alyas Amman Kabalu na naaresto sa isinagawang law enforcement operation ng Joint Task Force Basilan sa Zone 1 Barangay Kampurnah Isabela City Basilan.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Capt Jo-ann Petinglay alas-3:40 ng hapon kamakalawa ng maaresto si Abdul na may patong sa ulo na P1.3 milyon.

Sinabi naman ni Brigadier General Juvymax Uy, ang commander ng Joint Task Force Basilan na si Abdul ay itinuro ng mga sibilyan sa lugar kaya naaresto ng mga awtoridad.

“Abdul was positively identified by a civilian, leading to his arrest without his resistance,”sinabi ni Uy.

Nakuha sa pagiingat nito ang isang fragmentation grenade.

Sa ngayon nasa Basilan Porvincial Police Office na ang naarestong terorista. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?