13

Feb 16, 2021 @ 14:54
By

Abu Sayyaf, BIFF isama sa amnesty program – Hataman

Hiniling ni House Deputy Speaker Mujiv Hataman sa gobyernong Duterte na isama ang mga sumukong kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa amnesty program ng pamahalaan.

Karamihan aniya sa mga miyembro ng ASG at BIFF ang sumuko na sa administrasyon pero nananatiling nakakulong dahil ang mga grupo ay hindi kabilang sa programa.

Bukod dito, hinikayat din ng Basilan solon ang pamahalaan na magkaroon ng general amnesty program para sa mga rebelde na gustong magbalik-loob sa lipunan.

Nanindigan din siyang karamihan sa mga lumahok sa mga rebeldeng grupo ay sumali hindi dahil sa ideolohiya kundi dahil sa sitwasyon ng mga ito sa buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?