45

By

Abs ni Trae Young, pinagpiyestahan ng mga netizen

Muling lumutang sa social media ang tila pagiging macho dancer ni Atlanta star Trae Young.

Sa tweet ng podcast show na Mickstape, isa umanong dahilan kaya maraming may ayaw na makasama si Young sa NBA All-Star starter ay dahil sa naging kalokohan nito noong bata pa.

Dumaan din kasi sa pagkahilig sa application na TikTok si Trae, na sa saliw ng ‘Planes’ ni Jeremih feat. J Cole ay game na nagpasilip ng abs habang nagse-selfie video.

Dahil dito’y tila nag-iba ang tingin ng mga NBA fan kay Young, na sana’y hindi na lang umano nahumaling sa music app ang sophomore star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?