18

Feb 13, 2021 @ 15:58
By

Abs ni Mocon para kay Bolick

Batak sa training ang small forward ng Rain or Shine Elastos Painters na si Javee Mocon, laging laman ng social media nito ang mga video kung saan makikita ang matinding workout na ginagawa nito sa gym.

Pinakita rin nito ang kanyang paboritong workout na pokus sa abs, na ayon sa kanya ay para sa kanyang college teammate na si Robert Bolick.

Magkasama sa San Beda Red Lios ang dalawa noong sila’y nasa kolehiyo pa.

“Bolick, buddy. Para sayo ‘to.” Hirit ni Mocon bago simulan ang pangmalakasang workout.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?