106

Feb 19, 2020 @ 15:11
By

ABS-CBN’s ‘Ang Probinsyano’ handang ipalabas ng kalabang cable operator

Sakaling mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN Corporation, handa umanong iere ng isang grupo ng 600 cable operator sa bansa ang Kapamilya teleserye, “Ang Probinsyano.”

Kaya rin umano nilang ipalabas ang iba pang programa ng TV giant.

“Kapag itong “[Ang] Probinsyano,” mawawala, hahanapin ito sa amin.
Hihingi lang sila ng isang channel sa amin—if the price is right,”
ani Estrellita Juliano-Tamano, chair ng Federation of International
Cable TV and Telecommunication Association of the Philippines
(FICTAP).

Kapag tuluyang napaso ang prangkisa sa Marso 30, 2020, mapipilitan ang ABS-CBN na itigil ang kanilang libreng TV Channel kung saan pinapalabas ang teleserye ni Coco Martin.

Susundan ito ng paglipas ng prangkisa ng DZMM, 101.9 MOR radio, at kanilang UHF franchise Channel 23 sa Hulyo 2020.

Umangal din ang FICTAP sa umano’y pagsho-shortcut ng ABS-CBN sa pag-renew ng prangkisa.

“Bakit sila ABS-CBN gusto nilang mag-shortcut? Kami, six years sa NTC para lang magkaroon ng lisensya ang operators. Tapos sila shortcut lang?,” giit ni Juliano-Tamano, na sinabing dumudulog ang ABS-CBN ng isang prangkisa para iere ang marami nitong channel.

Isang channel lang dapat sa kada prangkisa, ayon kay Tamano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?