695

Feb 24, 2020 @ 11:49
By

ABS-CBN walang paglabag – NTC

Sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na walang naging paglabag ang ABS-CBN.

Sa pagdinig ng Senado na iniimbestigahan ang mga kasong pinupukol sa kumpanya, tinanong ng mga mambabatas si NTC Chief Commissioner Gamaliel Cordoba kung ano ang mga naging atraso ng ABS-CBN, sakaling meron man.

“As of now, wala pong penalty ang ABS-CBN (sa NTC),” hayag ni Cordoba ngayong Lunes ng umaga, Pebrero 24, 2020.

Dahil dito, sumabat si Senator Ralph Recto at tinanong ang NTC: “Kung wala naman palang paglabag ang kumpanya, bakit kailangan i-shutdown (ng NTC) ang ABS-CBN?”

Walang nasagot ang kabilang kampo.

Nagpapatuloy pa ang pagdinig sa Senado as of press time.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?