26

By

ABS-CBN wagi ng Diamond Creator Award

Sharing is caring!

Isang makasaysayang pagkilala ang muli na namang natanggap ng ABS-CBN matapos magtala ang entertainment channel nito sa YouTube ng sampung milyong subscribers – ang kauna-unahang channel sa bansa at pangatlo sa Southeast Asia na naabot ang naturang milestone.

Ang ABS-CBN Entertainment ay isa lamang sa tatlong channel sa Southeast Asia na nakakuha ng sampung milyong subscriber sa popular na video-sharing platform, pagkatapos ng Workpoint at GMM Grammy na parehong entertainment company sa Thailand.

Dahil dito, ginawaran ng YouTube ang ABS-CBN ng Diamond Creator Award, na ibinibigay ng YouTube sa channel na nakakuha na ng sampung milyong subscriber.

“Ang sampung milyon ay hindi lang numero para sa amin; patunay ito na kahit saan mang platform ay tinatangkilik ang iba’t ibang uri ng content na nililikha ng network. Sa pamamagitan ng partnership namin sa YouTube, naaabot namin ang milyon-milyong Kapamilya at nabibigyan sila ng pagkakataong mapanood ang mga video na gusto nila,” sabi ni Elaine Uy-Casipit, ang OIC-head ng digital media division ng ABS-CBN.

“This is a historic milestone not only for ABS-CBN, but for the whole YouTube ecosystem in the Philippines. It is a testament to the strong partnership we have with ABS-CBN in supporting homegrown content and showcasing local talents to our platform’s global and engaged audiences. ABS-CBN’s success marks the rise of Filipino content and I look forward to celebrating more Creator Awards from the Philippines,” pahayag naman ni Gautam Anand, ang managing director ng YouTube Asia Pacific.

Samantala, ang ABS-CBN Entertainment din ang natata­nging Pinoy channel na may ­pinakamaraming views – higit sa 15 bilyon. Kabilang sa top 10 pinakapapinanood nitong videos ang escalator accident mula sa seryeng Flordeliza, ang lyric videos ng ABS-CBN Christmas station IDs 2017 at 2014, ang recording music video ng ABS-CBN Christmas station ID 2015, ang ABS-CBN Christmas station ID 2009, at ilan pang trending na mga eksena mula sa Till I Met You, Tubig at Langis, Pasion de Amor, Dyesebel, at All of Me.

Sa ngayon, mayroon nang 10.4 milyong subscriber ang ABS-CBN Entertainment channel sa YouTube. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?