187

Nov 16, 2021 @ 19:02
By

ABS-CBN tiba-tiba sa mga piratang website

Pinaboran ng isang korte sa Southern District ng Florida ang ABS-CBN laban sa inireklamong 21 pirate site operator.

Ayon sa ulat, pinagbabayad ng danyos na $1 million ang bawat 21 pirate website operator.

Ang mga website na ito ay mga streaming portal na nag-aalok ng libreng access sa mga palabas ng ABS-CBN.

Dahil sa kabiguan ng mga defendant na humarap sa korte o makiisa sa paglilitis, iginawad ng korte ang hiling ng Kapamilya network para sa $1 million sa trademark damage laban sa 21 site operator na kinabibilangan ng 123fullpinoymovieshub.com at kapamilyaforever.su.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?