56

Jul 14, 2020 @ 20:06
By

ABS-CBN shutdown malayo sa pagdurog sa oligarkiya – Villanueva

Kumontra si Senador Joel Villanueva sa mga nagsasabing oligarkiya ang pinabagsak sa pagpapatigil-operasyon ng ABS-CBN.

Saad ni Villanueva, ang paglimita sa ABS-CBN ay magkakaroon ng masamang epekto sa ekonomiya ng bansa, lalo pa’t walang sapat na batayan na ipasara ang network dahil wala naman umano itong nilabag sa batas.

“To some people who want to equate the non-renewal of ABS-CBN [franchise] to dismantling of oligarchy, [it] is inaccurate. It has more negative effects to the economy and the business climate,” ayon kay Villanueva.

“To deny the franchise of a company, which has no clear violations of our laws, sends a signal that politicians can stop a business operation on a whim. This is not a conducive climate for investment and therefore contrary to public welfare,” aniya pa.

Matatandaan na binida ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdurog umano sa oligarkiya, ilang araw matapos i-deny ang franchise application ng ABS-CBN.

“Kung mamatay ako, mahulog eroplano, p*t*ngina, I am very happy. Alam mo bakit? Without declaring martial law, I dismantled the oligarchy that controlled the economy of the Philippines,” saad ni Duterte.

“Without declaring martial law, sinira ko iyang mga tao na humahawak sa ekonomiya, hindi nagbabayad [ng tax]. They take advantage of their political power every election. Isang kuwarto lang iyan, nag-uusap, ‘Sinong kandidato natin ngayon?’ Isang pamilya lang nag-uusap,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?