62

May 7, 2020 @ 16:55
By

ABS-CBN sa SC: Ipawalang bisa ang ‘shutdown order’

Naghain ng petisyon ang ABS-CBN sa Supreme Court (SC) na ipawalang bisa ang ‘cease and desist order’ ng National Telecommunications Commission (NTC), na nag-aatas na ihinto ang kanilang broadcast operations.

Kasabay nito ay humiling din ang network ng temporary restraining order (TRO) laban sa cease and desist order ng NTC, dahilan upang sapilitan nilang itinigil ang kanilang TV at radio broadcasts nitong Martes.

Nabatid na napakarami umanong bills ang inihain sa House of Representatives para sa panukalang pagkalooban ang ABS-CBN Corporation ng panibagong 25-year franchise, subalit hindi ito tinalakay hanggang mapaso ito nitong Lunes (Mayo 4).

Paliwanag ni House Speaker Alan Peter Cayetano, naging abala ang mga mambabatas sa mga malalaking kaganapan ngayon kaya naisantabi ang pagtalakay at utusan ang NTC na pagkalooban ang Lopez-owned network ng ‘provisional authority’ para sa renewal ng kanilang prangkisa, gaya ng Senado.

Una dito ay sinag-ayunan umano ng NTC na pagkalooban ang ABS-CBN ng ‘provisional permit’ na ginawa rin nila sa ilang media entities, subalit noong gabi ng Mayo 4 ay nag-expire na ang prangkisa ng network at nagbabala si Solicitor General Jose Calida na kapag hindi pinahinto sa pag-ere ang ABS-CBN ay kakasuhan ng ‘graft charges’ ang NTC commissioners.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?