55

Jul 23, 2020 @ 15:13
By

ABS-CBN property protektado ng batas – Sotto

Sa gitna ng diumano’y planong pag-take over sa ABS-CBN compound sa Quezon City, pinaalala ni Senate President Vicente Sotto III na ang isang private property ay protektado ng Konstitusyon.

Dinagdag pa ng lider ng Senado na mayroong due process at tamang lugar para sa naturang plano, at iyon ay idudulog sa korte.

“Takeover ABS CBN property? Private property is constitutionally protected. Possession is given weight,” pahayag ni Sotto sa Twitter.

“There is a venue, the courts; and there is due process. Bawal judgemental!” dagdag pa nito.

Sa isang zoom meeting ng mga kongresista sa pangunguna ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor kasama sina Deputy Speakers Rodante Marcoleta at Jesus Crispin Remulla, napaulat na nagplaplano ang mga ito na i-take over ang ABS-CBN compound at mga equipment nito.

Nirekomenda din ng mga ito na i-pressure ang pamilya Lopez na ibenta ang network para mabayaran ang P1.97 trilyong multa ng network para sa paglabag diumano nito sa kanilang dating prangkisa.

Nangyari ang pagpupulong ilang linggo matapos ibasura ng House Committee on Legislative Franchises ang franchise application ng Kapamilya network. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?