76

By

ABS-CBN pangit ang coverage ng ASEAN Grand Prix – mga netizen

Dinomina ng Pilipinas ang Vietnam sa second leg ng 2019 ASEAN Grand Prix, ngunit hindi tuluyang masaya ang mga Pinoy dahil sa media coverage ng ABS-CBN Sports and Action.

Ito ay kahit pa mismong sa Pilipinas ginanap ang naturang event, sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna.

Unang inireklamo ay ang kawalan ng TV coverage para regional meet, tanging ipinalabas lang sa iWant application ng ABS-CBN.

Sunod namang pinuna ang kawalan ng mga highlight replay at challenge replay.

Ngayong araw ay lalabanan ng Pilipinas ang Asian contender na Thailand sa ganap na alas-5 ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?